watermark logo

Up next

ABS-CBN Christmas Station ID 2014 Inspired Music Video

0 Views· 02/23/20
Aryel Narvasa
Aryel Narvasa
Subscribers
0

Naging inspirasyon namin ang mga pangyayari nitong taon kung saan dumanas ng mga matinding pagsubok ang ating bansa;

Marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng tirahan at kabuhayan, higit pa rito ay ang pagbuwis ng buhay, dulot ng mga pangyayaring hindi inaasahan, at hindi rin gugustuhin ng sino man;

At ang tangi nating magagawa ay ang ipagpasa-Diyos na lamang.

Marami sa ating mga kababayan ngayon ang windang ang dibdib, sugatan ang puso, sakmal ng kabiguan, at yakap ng kalungkutan.

Ngunit sa kabila nito, nananatiling buhay ang pag-asa sa isip ng mga Pilipino, at nananaig sa puso ang lakas ng loob at katatagan sa mga dagok ng buhay.

Dahil sa mga masaya, malungkot at minsa'y mapaghamong mga pangyayari sa buhay,

Ako, Ikaw, Tayo, kasama ng ating mga kababayan sa Bohol, Cebu, Samar, Leyte, Ilo-Ilo, Zamboanga, Davao, at sa lahat pa ng lugar sa ating bansa na dumaan sa malakas na alon, Lahat naman tayo ay makakaahon.

At sa panahong ito ng pagmamahalan at pagbibigayan ngayong Kapaskuhan,

Ang liwanag ng Pasko ang siyang magsisilbing tanglaw, sa ating patuloy na pagharap sa mga hamon ng buhay.

Dahil ang kuwento ng bawat Pilipino saan man sa mundo ay ang kuwento ng ating pagsasama-sama ngayong Pasko.

Written and Directed by Adrian Manaois

Show more

 0 Comments sort   Sort By


Up next