watermark logo

Up next

It’s Showtime May 13, 2024 | Full Episode

1 Views· 05/18/24
Aryel Narvasa
Aryel Narvasa
Subscribers
0

Back to reality tayo this Monday, madlang people! Pero kahit miss n’yo na agad ang weekend, piliin pa rin na maging happy with the “It’s Showtime” family. Sila na ang bahala na magbigay sa inyo ng much-needed smiles at energy!

Simulan ang bagong linggo with Ogie Alcasid’s modern version of his classic hit “Bakit Ngayon Ka Lang.” I-level up pa ang happiness kasama ang isa pa nating na-miss, walang iba kundi si Coleen Garcia!

Kung ang “Showing Bulilit” ay isang movie festival, siguradong blockbuster ang pagtatanghal! Panalo ang acting ng “Showtime” kids na sina Argus, Kulot, Jaze, at Kelsey – mapa-drama man ‘yan, action, romance, o comedy.

Nagkagulo man dahil sa sirang buzzer, the show must go on! Laban lang, walang susuko – gano’n ‘yon! Idaan na lang sa jack en poy, basta ang importante, lahat nag-e-enjoy. At, si Jhong Hilario, dinala sa studio ang tagahanga ni Vice Ganda – ano’ng regalo ang naghihintay sa kanya?

Tampok sa “EXpecially For You” sina Sonny at Christiana. Isa sa mga naging conflict nila ang pagshe-share ni Sonny sa mga kaibigang babae ng problema nilang mag-jowa. Inamin din niya na marami siyang ‘insecurities’ noon kaya naging seloso, dahilan para makipag-break sa kanya ang dating nobya.

Dalawang buwan makalipas ang kanilang paghihiwalay, handa na raw si Sonny na muling buksan ang kan’yang puso. ‘Changed man’ na raw siya at hindi na magiging seloso.

Ibida ang pangmalakasang pag-awit at malupit na school spirit sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

“Sa Piling Mo” ang kinanta ni Jan Ferry Bartolazo, ang Marketing Management student ng National University Dasmarinas. Buong-puso rin na lumaban ang pambato ng University of the Visayas – si Jay-Ar Panuncialman na kumanta ng “Mula Sa Puso.”

Mala-harana ang performances ng dalawang contenders. Pero sa huli, ang nakasungkit sa puso ng mga hurado na sina Erik Santos, Ogie Alcasid, at Bituin Escalante ay walang iba kundi si Jay-Ar na nakakuha ng markang 93.7%. Abangan siya sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado!

#PiliinMoAngShowtime
#ItsShowtime
#MadlangPipol

Show more

 0 Comments sort   Sort By


Up next