Para Ligtas sa n-CoV virus ang Bayan - Payo ni Doc Willie Ong
5 Gamit Para Ligtas Tayo sa n-CoV virus
Para sa School, Offices at Bahay
Payo ni Doc Willie Ong at Doc Liza Ramoso-Ong
Pwede po mag-DONATE o BUMILI nitong mga bagay para iwas n-CoV virus at ibang mga sakit tulad ng tuberculosis.
1. SABON para sa lahat ng mga banyo para maghugas ng kamay ang bata at mga empleyado.
2. Alcohol, alcogel o hand sanitizer. Pwede bumili ng malaking alcohol at maglagay sa common area. Maganda may baon na maliit na alcohol sa bag din.
3. Tissue Paper at Basurahan sa banyo para sa may ubo at plema.
4. Yung Face Mask, may tulong na rin konti kung may sakit na. Pero ayon sa experts, mas mabisa pa rin ang paghuhugas ng kamay. Dahil sa mga gamit madalas napapasa ang sakit. Pwede mabuhay ang virus ng hanggang 24 oras sa mga gamit.
5. Magbaon din ng sariling kutsara at tinidor. Para siguradong malinis ito.
Para sa akin, kung mayroon lang nitong mga gamit sa school at opisina, MAPIPIGILAN natin ang pagkalat ng n-CoV virus at iba pang sakit.
Tandaan: Prevention is better than cure.
God bless po.
https://youtu.be/1jBryqbXD34